Kakaibang kampanya kontra-droga, isinagawa sa Ifugao



BANAUE – Nagsagawa ng kakaibang kampanya laban sa iligal na droga ang mga opisyal, pulis, at residente sa Barangay Viewpoint, Banaue, Ifugao.
Suot ang katutubong kasuotan at t-shirt na nagpapahiwatig ng pagkontra sa droga, sabay-sabay na umarangkada ang ilang wooden scooter rider kasabay ang mga tumatakbong pulis, opisyal at mga residente upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa bawal na gamot.
Matapos umikot sa komunidad ay nakisali rin sa ehersisyo at Tae Bo ang mga residente.
Ayon kay Noah Guyyuden na lumahok sa wooden scooter ride, gusto nilang ipakita sa mga bisita sa Banaue na tahimik ang kanilang komunidad, at sila mismong mga residente ang lumalaban sa pagkalat ng bawal na gamot.
Dagdag naman ni Oliver Tundagui, president ng Banaue Wooden Scooter Racer Organization, nais nilang patunayang “purely culture” ang pinagkakaabalahan ng mga taga-Banaue.
“Gusto natin ipakita na…iyong mismong community natin lalo na itong tourist destination is tumutulong sa pag-prevent ng drugs. At the same time, sila na mismo yung nakikipag-cooperate at nagwi-witness laban sa drugs," ani Police Inspector Carolina Kimmayong Daulayan. 
Sabi ng Philippine National Police (PNP), hindi naman talamak ang bawal na gamot sa Banaue, Ifugao, pero hangad nilang tuluyan nang mapuksa ang droga o maging drug-free ang kanilang lugar.
“Hindi naman ganun kalala yung sitwasyon ng drugs natin dito, kasi makikita nating magkakakilala iyong mga tao. Pero hindi pa rin maiwasan kaya…may mga programa rin tayo para matulungan sila sa pagbabago,” sabi ni Police Senior Superintendent Constancio Chinayog Jr., ang acting Provincial Director ng Banaue Municipal Station.
Sa tala ng Banaue Municipal Police Station, 13 lamang ang sumuko na may kaugnayan sa droga, samantalang dalawa lamang ang nahuli sa buy-bust operation mula Hulyo hanggang Agosto ngayong taon.



Kakaibang kampanya kontra-droga, isinagawa sa Ifugao Kakaibang kampanya kontra-droga, isinagawa sa Ifugao Reviewed by Unknown on 21:32:00 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.