Kasama si Tanauan Mayor Anthony Halili sa listahan ng high-value targets ng pulisya bilang hinihinalang protektor ng bawal na gamot.




'Duterte ng Batangas,' tinarget ng Tokhang


.


MANILA - Hindi nakaligtas sa Oplan Tokhang ng pulisya si Tanauan Mayor Anthony Halili na tinaguriang "Duterte ng Batangas" dahil sa kanyang maigting na kampanya laban sa kriminalidad.
Kasama si Halili sa listahan ng high-value targets ng pulisya bilang hinihinalang protektor ng bawal na gamot.
Pinuntahan ni Superintendent Robert Baesa, hepe ng Tanauan police, si Halili sa kanyang opisina noong Huwebes upang kuhanan ng mga impormasyon hinggil sa illegal drugs at papirmahin umano sa isang dokumento para sa mga sumusukong drug suspect.
Kwento ng alkalde sa ABS-CBN News Linggo, "Nabigla at napatawa ako, 'ano to? Bakit may ganito?'"
Tumanggi anya siyang pirmahan ang dokumentong dala ni Baesa.
Iginiit din niyang hindi siya konektado sa iligal na droga. Anya, "Bawal nga ang aregluhan sa Tanauan dahil ayokong may aregluhan. Kaya nga dito, basta may kasalanan ka, magdusa ka."
Naniniwala rin siyang nasa likod ng akusasyon ang kanyang mga kaaway sa pulitika.
"Kung hindi nila ako tinalo sa pulitika, tatalunin nila ako using the police -- ako na talagang lumalaban sa drugs," sabi ni Halili.
Kilala si Halili sa pag-oorganisa ng Mayor's Anti-Crime Group (MACG) sa Tanauan, isang grupo ng mga sibilyan na tumutulong sa pulisya sa paglaban ng krimen.
Ipinaparada rin ng MACG ang mga hinihinalang kriminal sa lungsod. Noong Mayo, pinaglakad nila ang 11 drug suspek sa ilalim ng mga arkong nagsasabing, "Flores de Pusher," habang pito pang suspek ang ipinarada sa the "June Bride and Groom" walk of shame noong sumunod na buwan.

source:abscbnnews

Kasama si Tanauan Mayor Anthony Halili sa listahan ng high-value targets ng pulisya bilang hinihinalang protektor ng bawal na gamot. Kasama si Tanauan Mayor Anthony Halili sa listahan ng high-value targets ng pulisya bilang hinihinalang protektor ng bawal na gamot. Reviewed by Unknown on 13:31:00 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.