Motorcycle rider naipit sa ilalim ng truck, patay




Patay ang isang motorcycle rider matapos maipit sa isang 14-wheeler truck na bumangga sa poste ng flyover sa C-5 Road, Pasig, Huwebes ng umaga.
Bandang 5 a.m. nang mapilitan ang drayber ng trak na ibangga ang sasakyan sa plant box sa bahagi ng Barangay Bagong Ilog dahil nawalan na ito ng preno.
Dead on the spot ang motorcycle rider na kinilalang si Rolando Impang na may mahigit dalawang oras bago naialis sa ilalim ng trak.
Pero kuwento ng drayber na si Henry Enero, hindi huminto, at sa halip ay umararo pa ng isang motorsiklo at dalawang tricycle na nakatigil sa stoplight ang minamaneho niyang truck.
Dagdag pa ni Enero, malamang na nagtuloy-tuloy ang andar ng truck dahil na rin ito sa bigat ng karga nitong buhangin.
Kinailangan pang gumamit ng pala ng mga awtoridad para makuha ang bangkay ng biktima dahil sa buhanging tumapon mula sa trak.
Tuluyang naialis ang trak mula sa lugar ng aksidente bandang 7:54 ng umaga.
Nasaktan naman si Jose Salvador, ang drayber ng isa sa dalawang tricycle dahil sa lakas ng salpukan. Nayupi rin nang husto ang dala niyang sasakyan.
Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang drayber ng naaksidenteng truck para maimbestigahan.
source:abscbnnews.
Motorcycle rider naipit sa ilalim ng truck, patay Motorcycle rider naipit sa ilalim ng truck, patay Reviewed by Unknown on 11:26:00 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.