PATAY ANG ISANG TRICYCLE DRIVER MATAPOS PAG BABARILIN NG SAMPUNG LALAKI



Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng grupo ng mga lalaki na naka-motorsiklo sa Caloocan City. Nakunan pa ng CCTV ang insidente.


Matao pa sa kanto ng RIZAL at 10th Avenue sa caloocan  ng sunod sunod na dumating ang sampung lalake sakay ng motorsiklo.

Pawang may suot na helmet at naka takip ang mga mukha.Nakunan ng CCTV  ng barangay 106 ang pag lapit ng isa sa kanila sa tricycle driver na si  Michael  bago sya binaril ng malapitan.

Binaril din sya ng isa pang lalaki na sinundan ng ikatlo pang gunman. Kita rin na dinis armahan ang mga lalaki ang gwardya ng kalapit na bangko. Habang sinindak naman ng iba pang kasama ang mga tricycle driver na naroon.

Kwento ng kaibigan ni Michael kailanman ay hindi nadawit sa isyu ng droga o anumang away ang biktima. nababahala rin ang mga residente lalo na ng malaman na tila isang organisadong grupo ang mga salarin.

sa isang anggulo ng  CCTV ilang metro lang ang layo sa pinangyarihan  may kotseng puti na pumarada sa gilid ng kalsada sumunod sa kna ang motorsiklong sakay ng dalawang tao.

makalipas ng kalahating oras pag daan ng sampung lalake  galing sa crime scene sabay narin sila umalis. hinala ng  barangay  mga look out sila. tumanggi namang magbigay ng pahayag ang asawa ni michael . inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa tricycle driver.


source:abscbnnews
PATAY ANG ISANG TRICYCLE DRIVER MATAPOS PAG BABARILIN NG SAMPUNG LALAKI PATAY ANG ISANG TRICYCLE DRIVER MATAPOS PAG BABARILIN NG SAMPUNG LALAKI Reviewed by Unknown on 23:40:00 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.