Paano maiiwasan ang katarata?

Tinatayang nasa 500,000 Pilipino ang nabubulag at may diperensya sa paningin. Ang kauna-unahang dahilan ng pagkabulag nito ay katarata. 
Sa programang "Magandang Gabi Dok" ng DZMM, ipinaliwanag ni Dr. Cheryl Arcinue na ang katarata ay ang "clouding" o panlalabo ng mga mata na maaring makasira sa paningin ng isang tao. 
Si Arcinue ay isang retina, uveitis and cataract specialist ng EyeSite of Asian Eye Institute.
Ayon sa kanya, kasama sa pagtanda ng tao ang unti-unting paglabo ng mga mata. 
"At age of 50 and above, nagsisimula na ang cataract," pahayag ni Arcinue. 
Ngunit may ilang kaso na kahit wala pa sa edad na 50 ay nagkakaroon na ng katarata. 
"Kapag may family history, bisyo, overweight, o may diabetes, mas maagang nahihinog ang cataract," ani Arcinue. 
Dagdag pa ng doktora, isa rin sa sanhi ng maagang pagkakaroon ng katarata ay ang matagal na pagkaka-expose sa araw. 
"The only way para malaman na hinog na ang katarata, kapag nakakaapekto na 'yan sa pang-araw-araw mong gawain," paliwanag ni Arcinue sa palatandaan ng pagkakaroon ng katarata. 
Kapag nakaramdam agad ng panlalabo ng mga mata, mainam na lumapit agad sa espesyalista upang mapasuri ang mga ito. 
"Importante na ma-check po lahat ng buong mata, even 'yung loob, para malaman natin kung babalik ang vision niya," ayon kay Arcinue.
"As of now, the only way para ma-treat siya (cataract) is through surgery. Wala pa tayong bagong technology gaya ng eyedrops," dagdag ng doktora. 
Ang cataract surgery ay isang pamamaraan ng pagpapalit ng lente ng mga mata. 
May dalawang uri ng cataract surgery. Ang una ay ang conventional cataract surgery na kung saan ay gumagamit ng maliit na blade para gumawa ng maliit na hiwa sa mga mata para matanggal ang lente nito. 
Laser cataract surgery naman ang tawag sa makabagong pamamaraan ng pagtanggal ng katarata sa mga mata. 
Ayon kay Arcinue, may iba't ibang klase ng lente ang puwedeng ipalit sa mga mata ng pasyente. Ngunit, ito ay umaabot sa halagang P20,000 hanggang P50,000 bawat isang lens.
Payo ng doktora na kailangang panatilihin ang maayos na pangangatawan at tamang pagkain upang makaiwas sa pagkakaroon ng katarata. 





source:abscbnnews
Paano maiiwasan ang katarata? Paano maiiwasan ang katarata? Reviewed by Unknown on 10:27:00 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.