Lalaki, patay sa pananaksak sa Quezon City eksklusibong naaktuhan ng ABS-CBN


Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng isa pang lalaking nakaalitan nito sa Panay Avenue, Quezon City.
Nakuha sa ekslusibong video ng ABS-CBN ang dalawang lalaki na tila nagsusuntukan sa gilid ng kalsada, madaling-araw ng Sabado.
Pero nang i-zoom in ang camera, makikitang inuundayan na ng saksak ng maliit na lalaki ang mas matangkad na lalaki.
Ilang beses rin sinaksak ng suspek na si Melencio o Melchor Espanola ang biktimang si James Chua sa katawan at leeg bago siya tumakas.
Dahan-dahan namang tumumba ang naiwang biktima hanggang sa doon na rin namatay.
Bago pa ang pangyayaring ito, sinaksak rin ni Espanola ang kasama ni Chua na si Roel Piso.
Agad namang nahuli si Espanola matapos tumawag ng pulis ang mga nakakita.
Depensa ng suspek, ginantihan niya ang dalawa dahil minsan na siyang sinaktan ng mga ito.
Nahaharap si Espanola sa kasong murder at frustrated homicide.



source:abscbnnews
Lalaki, patay sa pananaksak sa Quezon City eksklusibong naaktuhan ng ABS-CBN Lalaki, patay sa pananaksak sa Quezon City eksklusibong naaktuhan ng ABS-CBN Reviewed by Unknown on 13:15:00 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.