VIDEO: Ilang bulto ng shabu, nakumpiska sa Bilibid


NCRPO, NAGSWAGAWA NG 'OPLAN GALUGAD' SA BILIBID 
Kasalukuyang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa loob ng medium security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ginalugad ng mga elemento ng NCRPO ang medium security compound Huwebes ng hapon matapos makatanggap ng tip na may ginagawang bentahan ng iligal na droga sa loob.
Hinalughog ng mga operatiba ang mga building at selda sa loob at nakumpiska ang iligal na droga, drug paraphernalia at iba pang kontrabando.
Ayon sa NCRPO, bago ang kanilang operasyon ay nagsagawa ng buy-bust operation ang isang operatiba sa isang inmate sa loob ng medium security compound, at nang magpositibo ay doon na sumalakay ang SWAT (Special Weapons And Tactics) teams ng NCRPO.




source:abscbnnews
VIDEO: Ilang bulto ng shabu, nakumpiska sa Bilibid VIDEO: Ilang bulto ng shabu, nakumpiska sa Bilibid Reviewed by Unknown on 10:27:00 Rating: 5

1 comment:

  1. Talagang ayaw din nilang tantanan gusto talaga nila ng magulong buhay...
    hindi po kaya sila naa-awa sa sarili nila...

    ReplyDelete

Powered by Blogger.