Actors Guild umapelang 'wag pangalanan ang mga artistang drug user




Umapela kay Pangulong Duterte ang Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon na ibigay muna sa kanila ang listahan ng sinasabing mga taga-showbiz na gumagamit ng ilegal na droga. 


.


Sa panayam ng DZMM, sinabi ng aktor at pangulo ng samahan na si Rez Cortez na suportado nila ang programa ng pamahalaan na pagsugpo sa bawal na gamot, pero hindi aniya makakatulong at hindi rin magiging epektibo kung ilalabas ang pangalan ng mga artistang nagdo-droga.
Posible kasi aniyang lalo pang malulong sa bawal na gamot ang artista kapag nadungisan ang pangalan nito at nawalan ng trabaho. 
Sila na aniyang mga kasamahan sa showbiz ang tutulong sa mga ito upang makapag-bagong buhay. 
"Ito ay mga drug user. So ano ang dapat nating gawin? Tulungan natin 'yung mga drug user," ani Cortez. 
"Papano natin sila matutulungan? Pwedeng ipa-rehab, pwedeng magpa-detox, kasama na rin 'yung livelihood. Kasi minsan yung iba nagdrugs dahil walang trabaho, walang magawa, so nagiging escapist 'yung kanilang outlet."
Nitong Setyembre, sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption chairman Martin Diño na may 50 artista sa ikatlong drug list na ilalabas ni Duterte. 
Bagama't hindi kinumpirma ng Malacañang ang pahayag ni Diño, tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa na handa ang pulisya na isailalim sa Oplan Tokhang ang sinumang mapapasama sa listahan. 

source:abscbnnews

Actors Guild umapelang 'wag pangalanan ang mga artistang drug user Actors Guild umapelang 'wag pangalanan ang mga artistang drug user Reviewed by Unknown on 21:03:00 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.