Pulis na sasabak sa anti-drug operation, napatay ng umano'y selosong kasero
Hindi na natuloy sa pagsabak sa anti-drug operation ang isang pulis matapos siyang pagbabarilin ng lalaking may-ari ng inuupahan niyang bahay sa Maynila. Ang hinihinalang motibo sa krimen--selos.
Sa ulat nitong Sabado, kinilala ang biktima na si PO1 Kirk Alwin Gonzales.
Tumakas naman ang suspek na si Eli Mathan Sumampong, may-ari ng apartment na tinutuluyan ng biktima sa Balagtas St., sa Malate, Maynila.
.
Ayon sa pulisya, dumaan lang sa inuupahang apartment si Gonzales para kumuha ng gamit dahil kasama ito sa isasagawang anti-drug operation nang barilin ito ng suspek dakong 3:00 a.m.
"Galing po yung gunman sa isang kuwarto kung saan palabas yung tao ko. Umuwi lang yung tao ko dito para kumuha ng damit dahil magkakaroon sana kami ng operation," ayon kay P/Sr Insp. Fernildo de Castro, head, Malate Police SAID/Investigation Unit.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa likod ang biktima.
Sa paunang imbestigasyon, selos ang tinitingnan motibo ng mga awtoridad sa krimen dahil pinaghihinalaan umano ni Sumampong na may kaugnay si Gonzales sa dati nitong kinakasama.
Wala naman umanong nababanggit si Gonzales sa mga kasamahang pulis na may banta sa kaniyang buhay pero nakararamdam daw ito na posibleng may masamang mangyari sa kaniya.
Kaya naman daw pinayuhan nila si Gonzales na lumipat na lang ng tirahan.
Inilarawan ni De Castro si Gonzales na masipag, matapang, at trabaho lang ang nasa isip.
Inilarawan ni De Castro si Gonzales na masipag, matapang, at trabaho lang ang nasa isip.
Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si Sumampong, at ipinatawag din ang dating karelasyon nito para kunan ng pahayag.
source:gmanews
Pulis na sasabak sa anti-drug operation, napatay ng umano'y selosong kasero
Reviewed by Unknown
on
02:33:00
Rating:
No comments: