2 pulis-Antipolo na sangkot umano sa droga, sinibak sa pwesto


Sinibak na sa pwesto ang dalawang pulis-Antipolo na umano'y nagre-recycle ng droga, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald "Bato" Dela Rosa.

"Ipaparestrict ko 'yung mga taong yun - restrict in camp or ilagay ko dito sa loob ng Crame para maimbestigahan. Like what we did doon sa mga nasa listahan na binanggit ng Presidente, nilagay natin sila sa admin holding unit. Papatawag ko sila today agad," ani Dela Rosa.
Isiniwalat ng testigong si Mary Rose Aquino sa Senado kanina ang dalawang pulis na ito. 
Ayon sa testigo, nagpupunta ang pulis sa kanilang bahay para ihatid ang droga, na siya namang ire-repack at ibebenta ng kanyang mga magulang. 
Dagdag din ng testigo, ilang beses niyang nasaksihan na gumagamit din ng droga ang mga sangkot na pulis.
Dagdag pa ni Aquino, noong ika-20 ng Hunyo, nakatanggap ang kaniyang mga magulang na sina Rodelio at Rosalie Campos mula sa isang pulis, na kinilala niya sa pangalang "Rabe."
Matapos ay umalis ang kanyang mga magulang upang mag-remit ng pera kay Rabe. Ang perang ito ay pinagbentahan ng shabu, na galing umano sa mga pulis.
Nabanggit din ni Aquino na isang PO3 Torres, na umano'y dating pulis, ang naunang tumawag sa kanyang mga magulang.

source:abscbnnews

2 pulis-Antipolo na sangkot umano sa droga, sinibak sa pwesto 2 pulis-Antipolo na sangkot umano sa droga, sinibak sa pwesto Reviewed by Unknown on 22:35:00 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.